Pagluluto:Chicken Arrozcaldo
Sangkap
baguhin2 | kutsara | mantika |
1 | kutsarita | tinadtad na bawang |
1 | piraso | maliit na luya, hiniwang pahaba |
1 | piraso | maliit na sibuyas, tinadtad |
1 | kilo | manok, hiniwa sa maliliit na piraso |
1 | kutsara | patis pantimpla |
1 | tasa | malagkit na bigas |
6 | tasa | tubig o sabaw na pinaglagaan ng manok |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas na mura |
½ | tasa | piniritong bawang |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
- Idagdag ang manok at sangkutsahin.
- Timplahan ng patis ayon sa panlasa.
- Isama ang malagkit.
- Magbuhos ng sapat na tubig o sabaw para maluto ang bigas at lumambot ang manok.
- Ihaing may sibuyas na mura at piniritong bawang sa ibabaw.