Pagluluto:Cheesecake (No-bake)
Sangkap
baguhinCrumb Crust
baguhin1 | tasa | dinurog na graham crakers |
1 | tasa | tinadtad na kasuy |
1 | kutsara | asukal |
⅓ | tasa | tinunaw na mantikilya |
Cream Cheese Filling
baguhin1 | pakete | (225-gram) cream cheese |
½ | tasa | asukal |
1 ¼ | tasa | all-purpose cream |
1 | kahon | gulaman mix |
1 | tasa | tubig (mainit na mainit) |
3 | piraso | manggang hinog, hiniwang pakuwadrado |
Paraan ng pagluto
baguhin- Kumuha ng isang 9-inch spring-form pan at takpan ng aluminum foil.
- Paghaluin ang mga sangkap para sa crumb crust.
- Ikalat ng pantay sa ilalim ng pan.
- Ilagay sa repridyerator nang 30 minuto para mabuo.
- Ilagay ang cream cheese at asukal sa blender.
- Haluin hanggang maging pino.
- Isama ang cream at haluin ng mabuti.
- Paghaluin ang gulaman at mainit na tubig.
- Haluin para matunaw.
- Palamigin ng bahagya at pagkatapos ay isama sa blender.
- Isama ang kalahati ng mangga at i-blender hanggang mahalo.
- Ihalo sa pamamagitan ng rubber scraper ang nalalabing mangga.
- Isalin sa crust.
- Palamigin hanggang mabuo.