Pagluluto:Cheese Soup

Sangkap

baguhin
½ tasa hiniwang keso
½ tasa gisantes
½ tasa hiniwang patatas
½ tasa karot, hiwain
6 tasa tubig
2 kutsarita parsley, hiniwa
½ tasa hiniwang celery
1 piraso chicken bouillon cube
½ kutsarita paminta
½ kutsarita asin

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Hugasang mabuti ang gulay at saka hiwa-hiwain.
  2. Pakuluan sa 6 na tasang tubig.
  3. Kapag malambot na, ilagay ang cube, asin at paminta.
  4. Pabayaan pa sa kakalanan sa loob ng apat na sandali.
  5. Kapag ihahain na ay ilagay ang keso at parsley.