Pagluluto:Cardillo
Sangkap
baguhin1 | kilo | buong isda, hiniwa sa katamatamang laki |
1 | kutsarita | asin |
¼ | tasa | mantika |
1 | kutsarita | dinikdik na bawang |
1 | piraso | sibuyas, hiniwang pakuwadrado |
2 | piraso | kamatis, hiniwang pakuwadrado |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
2 | piraso | itlog, bahagyang binati |
Paraan ng pagluto
baguhin- Lamasin sa asin ang isda.
- Iprito ang isda sa mainit na mantika.
- Hanguin.
- Sa hiwalay nakawali, magpainit ng kaunting mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Ibuhos ang tubig at timplahan.
- Pagkulo ay alisin sa apoy at ihalo ang binating itlog.
- Ibuhos sa ibabaw ng piniritong isda.