Pagluluto:Bulanglang
Sangkap
baguhin1 | kutsara | mantika |
2 | butil | bawang, tinadtad |
1 | piraso | sibuyas, tinadtad |
2 | piraso | kamatis, tinadtad |
¼ | tasa | karne ng baboy, hiniwang manipis at pakuwadrado |
2 | kutsara | bagoong alamang |
2 | hiwa | kalabasa, hiniwang pakuwadrado |
½ | tasa | tubig |
1 | tali | sitaw, hiniwang 2" ang haba |
1 | guhit | bataw |
1 | piraso | ampalaya, hiniwang 1" ang haba |
1 | tali | kangkong, hiniwang 2" ang haba |
2 | piraso | talong, hiniwang 1" ang haba |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Idagdag ang karne at sangkutsahin.
- Isama ang bagoong, kalabasa at tubig at hayaang kumulo.
- Idagdag ang iba pang mga gulay at hayaang maluto.
- Ihain nang mainit.