1 |
tasa |
asukal
|
⅓ |
tasa |
cornstarch
|
1 |
tasa |
sabaw ng buko
|
1 |
tasa |
gatas ebaporada
|
1 |
kutsarita |
vanilla
|
2 |
tasa |
ginayat na buko
|
2 |
tasa |
arina
|
½ |
kutsarita |
asin
|
1 |
kutsarita |
asukal
|
½ |
tasa |
mantikilya
|
¼ |
tasa |
shortening
|
5-6 |
kutsara |
malamig na tubig
|
1 |
tasa |
eggwash
|
- Painitin ang oven sa 375°F.
- Ihanda ang 8-inch pie plate.
- Sa kaserola, paghaluin ang asukal at cornstarch.
- Ibuhos ang sabaw ng buko at gatas.
- Lutuin hanggang lumapot.
- Idagdag ang vanilla at buko.
- Palamigin.
- Sa isang mangkok, paghalutn ang arina, asin at asukal.
- Idagdag ang mantikilya at shortening.
- Haluing maigi.
- Magdagdag ng sapat na tubig para makabuo ng masa.
- Hatiin ang masa sa dalawa na mas malaki ang isang bahagi.
- Kunin ang mas-malaking bahagi at padaanan ng rolling pin hanggang maging manipis at maging kasinlaki ng pie plate.
- Ilipat sa pie plate para matakpan ang ilalim at mga gilid nito.
- Ibuhos ang palaman.
- Panipisin ang natirang masa at takpan ang palaman.
- Pisilin ang mga gilid para magdikit ang dalawang crust.
- Maglagay ng singawan sa pamamagitan ng pagtusok ng tinidor sa ibabaw ng crust.
- Pahiran ng eggwash.
- Hurnuhin nang 25 o 30 minuto o hanggang pumula ang crust.
- Palamigin bago hiwain.