Pagluluto:Bringhe
Sangkap
baguhin2 | buo | niyog, ginadgad |
4 | tasa | maligamgam na tubig |
4 | kutsara | mantika |
3 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | sibuyas, tinadtad |
1 | buo | manok, hiniwa sa maliliit na piraso |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
5 | kutsara | katas ng luyang dila |
4 | tasa | bigas na malagkit, hinugasan |
1 | piraso | siling berde, inihaw, tinalupan hiniwang pakuwadrado |
2 | piraso | nilagang itlog, hiniwang pahaba |
Paraan ng pagluto
baguhin- Gataan ang niyog sa maligamgam na tubig.
- Salain at itabi.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at manok.
- Sangkutsahin.
- Timplahan ng asin, paminta at katas ng luya.
- Isama ang malagkit at ibuhos ang gata.
- Takpan at hayaang maluto at matuyuan.
- Takpan ng dahon ng saging.
- Ibaligtad sa bandehado at palamutian ng sili at hiniwang itlog.