Pagluluto:Breaded Pork Chop

Sangkap baguhin

4 piraso pork chop
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla
1 tasa arina
2 piraso itlog na binati
1 tasa breadcrumbs
2 tasa mantika pamprito

Paraan ng pagluto baguhin

  1. Timplahan ng asin at paminta ang pork chop.
  2. Budburan ng arina.
  3. Igulong sa binating itlog at pagkatapos ay sa breadcrumbs.
  4. Iprito ng lubog sa mainit na mantika hanggang matusta.
  5. Ihain kasama ng ketchup o gravy bilang sawsawan.