Pagluluto:Braised Beef Shanks
Sangkap
baguhin10 | hiwa | beef shanks o biyas ng baka (¼ kilo ang bawat isa) |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
½ | kutsarita | paprika |
¼ | tasa | mantika |
¼ | tasa | mantikilya |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
½ | tasa | tinadtad na carrot |
½ | tasa | tinadtad na celery |
2 | kutsara | tomato paste |
½ | tasa | red wine |
2 | tasa | brown sauce |
4 | tasa | sabaw ng baka |
½ | kutsara | dinurog na pamintang buo |
1 | piraso | dahon ng laurel |
1 | tasa | tinadtad na parsley |
½ | kutsara | mantikilya |
½ | kutsara | tinadtad na balat ng lemon |
½ | kutsarita | caraway seeds, tinadtad |
Paraan ng pagluto
baguhin- Timplahan ang biyas ng asin, paminta at paprika.
- Papulahin sa mainit na mantika.
- Isantabi.
- Sa kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas, carrot at celery.
- Sangkutsahin bago idagdag ang tomato paste.
- Lutuin ng 2 minuto.
- Isama ang red wine, brown sauce at sabaw ng baka.
- Pakuluin.
- Timplahan at idagdag ang biyas at laurel.
- Lutuin hanggang lumambot ang biyas.
- Para sa Gremolata, Paghaluin ang mantikilya, tinadtad na balat ng lemon at caraway seeds.
- Ihalo ito sa sarsa ng biyas.
- Paibabawan ng parsley.