Pagluluto:Bouillabaise

Sangkap

baguhin
½ tasa olive oil
½ tasa tinadtad na sibuyas
2 tasa tinadtad na kamatis (banlian, balatan, at tanggalan ng buto bago tadtarin)
1 kutsara tinadtad na bawang
1 kutsara tinadtad na fennel
2 kutsara tomato paste
½ kilo fish fillet, hiniwang pakuwadrado
½ kilo hipon, binalatan
½ kilo halaan, binabad sa tubig na may asin
½ kilo tahong
½ kilo buntot ng ulang
5 tasa sabaw ng isda
1 kutsarita ginadgad na balat ng orange
kutsarita celery seeds
3 kutsara tinadtad na parsley
1 dahon laurel
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 piraso French bread, hiniwa

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
  2. Isama ang kamatis, bawang, fennel at tomato paste.
  3. Sangkutsahin.
  4. Idagdag ang mga lamang-dagat.
  5. Lutuin ng 5 minuto.
  6. Ibuhos ang sabaw ng isda at pakuluin.
  7. Hinaan ang apoy at isama ang saffron, balat ng orange, celery seeds, parsley at laurel.
  8. Lutuin ng 15-20 minuto.
  9. Timplahan.
  10. Maglagay ng isang hiwa ng tinapay sa bawat mangkok bago sandukan ng mainit na sabaw.