1
|
kilo
|
baga at puso ng baboy
|
2
|
piraso
|
sibuyas
|
4
|
piraso
|
kamatis
|
2
|
piraso
|
siling pula, tinadtad
|
3
|
butil
|
bawang
|
¾
|
tasa
|
suka
|
½
|
kutsarita
|
asin
|
½
|
kutsarita
|
pamintang durog
|
2
|
tasa
|
tubig
|
- Pakuluan nang ilang sandali sa tubig ang baga.
- Hugasan at tadtarin nang pino.
- Tadtarin din nang maliliit ang puso ng baboy.
- Hiwang panggisa ang gawin sa sibuyas at kamatis.
- Pitpitin ang bawang.
- Papulahin sa mantikang kumukulo ang bawang.
- Isunod ang kamatis at sibuyas
- Ihulog nang magkasabay ang baga at puso.
- Sabawan ng 1 tasang tubig.
- Timplahan ng asin at pamintang durog.
- Takpan at hayaang kumulo.
- Kapag natuyuan ng sabaw, lagyan ng 1 tasang tubig at suka.
- Huwag hahaluin. Takpan at hayaang kumulo.
- Isama ang tinadtad na siling pula.
- Hintayin matuyuan ng sabaw bago hanguin.