Pagluluto:Bola-bolang Kasoy-Keso

Sangkap

baguhin
1 tasa butil ng kasoy, giniling
1 tasa dinurog na cracker
1 tasa giniling na baboy
½ tasa niyadyad na keso
3 piraso itlog, hilaw
½ tasa sibuyas, tinadtad na pino
1 kutsarita bawang, dinikdik
1 kutsarita asin

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Paghaluin ang lahat ng mga sangkap.
  2. Gawing mga bola-bola at prituhin na lubog sa mantika.
  3. Ilagay ang mga bola-bola sa isang tuyong bandeha at buhusan ng tomato sauce.
  4. Budburan ng isa pang ½ tasang keso.
  5. Ihurno sa 350°F sa loob ng 30 minuto.
  • Kung walang makuhang hurnuhan, pakuluing dahan-dahan sa kaunting apoy sa loob ng 5-10 minuto.