Pagluluto:Binakol na Manok

Sangkap

baguhin
2 kutsara mantika
1 kutsara dinikdik na bawang
1 piraso maliit na sibuyas, tinadtad
1 piraso maliit na luya, hiniwang manipis
1 kilo manok, hiniwa sa katamtamang piraso
5 tasa sabaw ng manok o tubig
1 kutsarita patis pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla
3 tasa sabaw ng buko
1 tasa tinadtad na laman ng buko
1 tali dahon ng sili

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Painitin ang mantika sa kaserola.
  2. Igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  3. Isama ang mga manok at papulahin ng bahagya.
  4. Ibuhos ang sabaw at timplahan ng patis at paminta ayon sa panlasa.
  5. Palambutin ang manok.
  6. Idagdag ang sabaw ng buko at ang mga laman.
  7. Pakuluin.
  8. Ilagay ang dahon ng sili bago patayin ang apoy.