Pagluluto:Binagoongang Baboy

Sangkap

baguhin
1 kilo laman ng baboy
1 ulo bawang
½ kilo kamatis, hinog
1 piraso sibuyas
2 kutsara toyo
2 kutsara pamintang durog
2 tasa bagoong alamang
1 piraso dahon ng laurel
1 kutsara asukal

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa kawali, igisa ang bawang at kamatis.
  2. Duruging maigi ang kamatis hanggang kumatas.
  3. Idagdag ang sibuyas.
  4. Ilagay ang baboy. Pakatasin ang baboy.
  5. Ilagay ang bagoong kapag namula na ang baboy.
  6. Ilagay ang toyo, paminta, laurel, at asukal.
  7. Takpan at hayaang kumulo sa mahinang apoy.
  8. Haluin ng bahagya at hayaang kumulo hanggang lumambot ang karne.
  9. Lagyan ng kaunting suka kung maalat.
  10. Hayaang kumulo.
  11. Ihain na may kasamang sariwang kamatis o nilagang okra sa tabi.