Pagluluto:Bilo-bilo
Sangkap
baguhin1 | tasa | gata (unang piga) |
2 | tasa | gata (pangalawang piga) |
1 | tasa | malaking sago |
1 | tasa | maliit na sago |
1 | tasa | malagkit na arina, bilo-bilo |
1 | tasa | pulang asukal |
2 | dahon | pandan |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ilagay ang pulang asukal at 2 tasa ng pangalawang gata sa isang kaserola.
- Ilagay ang dahon ng pandan at sago. Pakuluin. Lutuin ng 10 minuto.
- Haluin ang nilutong sago sa pinaghalong gata at pulang asukal. Idagdag ang bilo-bilo.
- Patuloy na haluin hanggang maluto ang bilo-bilo. Malalaman kung luto na ang bilo-bilo kung lumulutang na ito sa ibabaw ng kumukulong gata.
- Kapag luto na ang bilo-bilo, hinaan na ang apoy. Timplahan at dagdagan ng asukal kung kinakailangan.
- Pagkatapos ay idagdag na din ang unang gata ng niyog.
- Haluin ang mga sangkap hanggang maging malapot. Kapag malapot na ay alisin na ito sa kalan. Ilagay sa mangkok.