Pagluluto:Bibingka

Sangkap

baguhin
2 kilo malagkit na bigas, hugasan, ipagiling at sinalin
1 tasa kaning lamig
2 tasa asukal na puti
5 kutsara baking powder
1 piraso itlog, binati
1 kutsarita asukal na puti
1 pirasoaa itlog na maalat, hating manipis at pabilog
1 kutsara margarina

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Samahan ang galapong ng kaning lamig at asukal na puti.
  2. Haluing mabuti at lagyan ng baking powder.
  3. Tuwing maglagay ng galapong sa hurnuhan, haluan ng isang binating itlog.
  4. Ihurno ng may dahon ng saging sa hurnuhan.
  5. Ibuhos ang isang tasang galapong at samahan ng itlog na maalat.
  6. Lutuin sa baga sa ilalim at sa ibabaw ng bibingka, sa loob ng kalahating oras.
  7. Kapag luto na, pahiran ng margarina at isang kutsaritang asukal na puti.
  8. Ihain kasama ng kinudkod na niyog.