Pagluluto:Beef na may Cauliflower
Sangkap
baguhin¼ | kilo | sirloin, hiniwa ng manipis at pahaba |
2 | kutsarita | asin |
2 | kutsarita | rice wine o sherry |
1 | kutsarita | cornstarch |
¼ | tasa | mantika |
¼ | kilo | cauliflower, pinira-piraso |
3 | tasa | tubig |
2 | tangkay | kutsay, hiniwa ng 1" ang haba |
1 | maliit na lata | mushrooms, hiniwa |
1 | kutsara | toyo |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ilagay sa isang mangkok ang karne, 1 kutsarita ng asin, alak at cornstarch.
- Haluin at pabayaang mababad ng 20 minuto.
- Initin sa kawali ang kalahati ng mantika.
- Isangkutsa ang mga gulay at nalalabing asin.
- Samahan ng kaunting tubig para lumambot ng bahagya.
- Hanguin.
- Sa natitirang mantika ay papulahin ang karne.
- Magdamag ng kaunting sabaw ng manok o tubig kung kailangan.
- Lutuin hanggang lumambot.
- Idagdag ang mushrooms, toyo at mga gulay.
- Lutuin ng mga ilang minuta pa.