Pagluluto:Beef Tips with Cashew

Sangkap

baguhin
1 ½ kilo beef tenderloin tips
½ tasa toyo
¼ tasa rice wine
1 kutsarita sesame oil
3 butil sanque
½ tasa asukal
2 kutsara tinadtad na luya
2 tasa sabaw ng baka
½ tasa mantika
3 kutsara cornstarch tinunaw sa
½ tasa tubig
tasa gisantes
4 piraso tuyong shiitake mushrooms, pinalambot sa tubig at hiniwang manipis
2 piraso sibuyas na mura, hiniwa
¼ tasa tinuslang kasuy

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Ibabad ang baka sa toyo, rice wine, sesame oil, sanque, asukal, luya at sabaw ng baka ng 3 oras o magdamag sa repridyerator.
  2. Patuluin at itabi ang pinagbabaran.
  3. Prituhin ang baka sa mainit na mantika hanggang pumula.
  4. Isalin sa pinggan.
  5. Isalin ang pinagbabaran sa isang kaserola at pakuluin hanggang mangalahati.
  6. Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
  7. Lutuin ng 10 minuto.
  8. Ihalo ang baka.
  9. Lutuin pa ng 5 minuto.
  10. Isama ang gisantes at mushrooms.
  11. Paibabawan ng sibuyas na mura at tinustang kasuy at ihaing kasama ng mainit na sinaing.