Pagluluto:Beef Stew

Sangkap

baguhin
1 kilo baka, hiniwa nang tig-1 ½ pulgada
4 piraso bacon
4 ulo bawang, pinitpit
1 piraso katamtamang laki ng sibuyas, tinadtad
3 piraso siling pula at berde, hiniwa nang pahaba
5 piraso patatas, hiniwa sa apat na bahagi at bahagyang prinito
1 tasa gisantes
2 lata tomato sauce
2 kustsara asin
2 kutsara bread crumbs
2 piraso carrots, hiniwa nang pakuwadrado
1 piraso dahon ng laurel
1 ½ tasa tubig

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Prituhin ang bacon sa isang kawali sa mahinang apoy hanggang lumabas ang mantika nito at maging malutong.
  2. Ilagay sa isang tabi.
  3. Sa parehong kawali, ilagay ang bawang at karne.
  4. Prituhin ang karne hanggang mamula.
  5. Idagdag ang sibuyas at tomato sauce.
  6. Haluin at pakuluin nang 5 minuto.
  7. Idagdag ang tubig, laurel at timplahan ng asin.
  8. Pakuluan hanggang lumambot ang karne.
  9. Dagdagan ng kaunting tubig kapag medyo natutuyuan.
  10. Kapag malapit nang maluto, ilagay ang gisantes, bread crumbs, siling pula at berde, carrots at piniritong patatas.
  11. Lutuin ng 10 minuto.
  12. Para lumapot ang sabaw, lagyan ng biskotso.
  13. Palamutian ng bacon sa ibabaw kapag ihahain na.