Pagluluto:Beef Consomme
Sangkap
baguhin½ | kilo | giniling na baka |
3 | puti ng itlog | |
¼ | tasa | tomato paste |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
½ | tasa | tinadtad na celery |
½ | tasa | tinadtad na carrots |
¼ | tasa | tinadtad na leeks |
1 | dahon | laurel |
½ | kutsara | dinurog na pamintang buo |
½ | kutsara | tinadtad na dahon ng basil |
½ | kutsara | tinadtad na oregano |
½ | kutsarita | asin |
12 | tasa | sabaw ng baka |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa isang mangkok, paghaluin ang giniling, puti ng itlog, tomato paste, sihuyas, celery, carrots, leeks, laurel, paminta, basil, oregano at asin.
- Isalin sa kaserola kasama ng sabaw ng baka.
- Haluin hanggang kumulo.
- Hinaan ang apoy at isalang ng 2-3 minuto ng hindi hinahalo.
- Alisin sa apoy at palamigin.
- Salain sa katsa.
- Isalin sa malinis na kaserola at pakuluin uli.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Lutuin pa ng 5 minuto.