Pagluluto:Barley Soup

Sangkap

baguhin
1 kutsarita clarified butter
½ tasa hiniwang bacon
½ tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa barley
2 litro sabaw ng manok
2 kilo buto ng hamon
3 pula ng itlog, binati
1 tasa cream
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 tasa hiniwang mushrooms
2 kutsara tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang bacon at sibuyas.
  2. Ihalo ang barley at haluin hanggang mamantikaan.
  3. Ibuhos ang sabaw at isama ang buto ng hamon.
  4. Pakuluin.
  5. Patuloy na lutuin sa mahinang apoy hanggang lumambot ang barley.
  6. Ihalo ang pula ng itlog at cream.
  7. Hayaang uminit ng hindi kumukulo.
  8. Timplahan.
  9. Paibabawan ng hiniwang mushrooms at parsley.