Pagluluto:Banana Ketchup
Sangkap
baguhin20 | piraso | manibalang na saging na saba |
5 | tasa | tubig |
1 | tasa | suka |
1 | kutsara | tinadtad na bawang |
20 | piraso | sibuyas tagalog, tinadtad na pino |
4 | kutsarita | asin |
2 | kutsara | pulang food color |
Paraan ng pagluto
baguhin- Ilaga ang saba hanggang lumambot.
- Hiwain sa ½" na laki.
- Magsukat ng 4 na tasang siniksik na saba.
- Isama sa 5 tasang tubig.
- Gilingin hanggang pino.
- Sa kaserola, pakuluan ang suka, bawang, sibuyas, at asin.
- Palamigin sandali at salain.
- Ibalik sa kaserola at idagdag ang giniling na saging.
- Lutuin nang 30-40 minuto o hanggang lumapot.
- Maglagay ng sapat na pulang food color.
- Isalin sa mga boteng malinis.