Pagluluto:Baked Fish in Soy Sauce
Sangkap
baguhin10 | piraso | fish fillet (180 gramo ang bawat isa) |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
10 | piraso | kalamansi |
⅔ | tasa | mantikilya |
½ | tasa | hiniwang sibuyas |
½ | tasa | hiniwang julienne na carrot |
½ | tasa | hiniwang julienne na celery |
½ | tasa | nilinis na toge |
½ | tasa | ginayat na repolyo |
½ | tasa | hiniwang julienne na siling pula at berde |
⅔ | tasa | toyo |
⅔ | tasa | mainit na mantika |
½ | tasa | hiniwang leeks |
Paraan ng pagluto
baguhin- Painitin ang oven sa 400°F.
- Timplahan ang mga isda ng asin, paminta at katas ng kalamansi.
- Isantabi.
- Pahiran ng kaunting mantika ang isang baking pan.
- Iayos dito ang mga isda.
- Paibabawan ang bawat hiwa ng isang kutsarang mantikilya.
- Isalang sa oven ng 30 minuto o hanggang maluto.
- Ilipat ang nalutong isda sa mga pinggan.
- Paibabawan ng sibuyas, carrots, celery, toge, repolyo at sili.
- Lagyan ng tig-iisang kutsarang toyo.
- Bago ihain ay buhusan ng tig-iisang kutsarang mainit na mantika.
- Paibabawan ng leeks.