Pagluluto:Arroz a la Luzonia
Sangkap
baguhin4 | piraso | hinog na saging na saba, ginayat na pahaba at pinirito hanggang sa pumula |
1 | tasa | tokwa, ginayat na parisukat at pinirito |
2 | piraso | itlog na hilaw |
1 | piraso | itlog na nilagang matigas, ginayat-gayat na parang kalahating buwan |
2 | tasa | sinaing na malagkit |
6 | piraso | gayat na siling pula, hindi maanghang |
2 | kutsara | mantika |
1 | kutsarita | asin |
2 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | sibuyas na maliit, ginayat |
1 | kutsara | paprika |
Paraan ng pagluto
baguhin- Igisa ang bawang, sibuyas, at tokwa.
- Lagyan ng asin, at paminta kung nais ninyo.
- Idagdag ang malagkit at haluing mabuti.
- Lagyan ng paprika para magkakulay.
- Alisin sa apoy at hayaang lumamig.
- Idagdag ang hilaw na itlog, na bahagyang binati, at haluing mabuti.
- Pahiran ng mantika ang isang hulmahan at ihanay ang ginayat na itlog at ginayat na siling pula.
- Ilagay sa ibabaw ang ginisang niluto, takpan ng isang pirasong waxed paper at pasingawan ng 30 minuto.
- Alisin sa hulmahan, itaob sa isang pinggan upang maalis sa hulmahan at lagyan ng palamuting piniritong saging.