Pagluluto:Arroz Ala Valenciana

Sangkap

baguhin
1 ½ tasa malagkit na bigas
1 ½ tasa bigas
1 ½ kutsarita asin
5 tasa gata
½ tasa mantika
1 buo dumalagang manok, hiniwa nang katamtamang laki
½ kilo baboy, hiniwa nang katamtamang laki
2 kutsara bawang, pinitpit
1 piraso malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata tomato sauce
1 kutsara asin
¼ kutsarita pamintang durog
¼ kutsarita paprika
6 piraso patatas, hiniwa sa apat na bahagi at prinito ng bahagya
1 maliit na lata gisantes
1 piraso siling pula, hiniwa nang pahaba
2 piraso nilagang itlog
1 tasa tinadtad na parsley
buto ng achuete

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Sa isang kawali, pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang ordinaryong bigas at gata at timplahan ng asin.
  2. Haluin ng paminsan-minsan upang hindi dumikit sa kawali.
  3. Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi.
  4. Sa parehong mantika, ilagay ang achuete hanggang sa ito'y kumulay.
  5. Alisin ang buto ng achuete.
  6. Igisa ang bawang at sibuyas at ibuhos ang tomato sauce.
  7. Timplahan ng asin at paminta.
  8. Idagdag ang karne at pakuluan hanggang maluto.
  9. Idagdag ang ordinaryo at malagkit na bigas.
  10. Haluing maigi.
  11. Ilagay ang natitirang sangkap maliban sa itlog at parsley.
  12. Ihain sa isang malaking plato at palamutian ng itlog at parsley.