Pagluluto:Arroz Ala Filipina
Sangkap
baguhin1 | tasa | malagkit, niluto |
1 | tasa | kanin, niluto |
1 | piraso | maliit na manok, hiniwa |
3 | butil | bawang, dinikdik |
1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
3 | piraso | kamatis, hiniwa |
4 | kutsara | mantika |
3 | piraso | siling berde at pula, hiniwa ng pahaba |
1 | maliit na kahon | pasas |
1 | buo | nilagang itlog, hiniwa |
atsuwete, ibinabad sa ⅓ tasa ng tubig |
Paraan ng pagluto
baguhin- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at manok. Takpan.
- Kung namumula ang manok at lagyan ng tubig at lutuin hanggang sa lumambot.
- Pagkaraa’y idagdag ang sili at lutuin ng ilang minuto.
- Idagdag ang tubig ng atsuweteng pangkulay.
- Isunod ang kanin, malagkit at pasas.
- Haluin paminsan-minsan ang niluluto upang huwag manikit.
- Ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang init.
- Timplahan ng asin.
- Palamutian ng itlog at siling pula at berde.