Pagluluto:Almondigas

Sangkap

baguhin
1 tasa giniling na baboy
1 piraso itlog
½ tasa dinurog na tokwa
1 kutsara mantika
½ tasa miswa
2 butil bawang, dinikdik
1 piraso ginayat na sibuyas
½ kutsarita asin pangpalasa
1 kutsara tinadtad na berdeng sibuyas

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Ihalo ang dinurog na tokwa sa hilaw at giniling na baboy.
  2. Ilahok ang berdeng sibuyas, itlog, at kinakailangang pangpalasa.
  3. Bilugin na parang bola-bolang kasing laki ng kalamansi.
  4. Prituhin ang bawang at sibuyas at idagdag ang 3 tasang tubig.
  5. Pagkulo ay ihulog ang parang bola-bolang karne ng isa-isa.
  6. Pagkaluto na ang mga bola-bola, idagdag ang misua at karakaraka ay alisin sa apoy.
  7. Lagyan ng asin, at paminta para lumasa.