Pagluluto:Adobong Pusit

Sangkap

baguhin
½ kilo pusit
¼ tasa tubig
½ tasa suka
½ kutsarita pamintang buo
½ kutsarita asin
5 butil bawang, dinikdik
2 kutsara mantika
1 piraso maliit na sibuyas, hiniwa
2 piraso kamatis, hiniwa
½ kutsarita asukal pantimpla

Paraan ng pagluto

baguhin
  1. Linisin at hugasan ang mga pusit. Huwag alisin ang tinta.
  2. Pakuluan ang pusit sa tubig, suka, paminta, asin, at bawang.
  3. Takpan at palambutin
  4. Salain at ihiwalay ang bawang.
  5. Itabi ang sarsa.
  6. Sa malaking kawali, igisa ang bawang sa mainit na mantika.
  7. Isama ang sibuyas at kamatis at hayaang lumambot.
  8. Idagdag ang pusit at ang itinabing sarsa.
  9. Timplahan ng kaunting asukal.
  10. Pakuluan hanggang kumonti ang sarsa.