Pagluluto:Adobong Gulay
Sangkap
baguhin1 | tungkos | kangkong, pinaghiwalay ang tangkay at dahon at hiniwang 2" ang haba |
1 | tali | sitaw, hiniwang 2" ang haba |
2 | kutsara | mantika |
2 | butil | bawang, tinadtad |
1 | piraso | maliit na sibuyas, hiniwang pakuwadrado |
½ | tasa | hiniwang karne ng baboy |
6 | piraso | pamintang buom dinurog |
2 | kutsara | toyo |
1 | kutsarita | asukal |
½ | tasa | tubig |
¼ | tasa | suka |
Paraan ng pagluto
baguhin- Sa kawali ay painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at karne.
- Isama ang mga pantimpla (maliban sa suka).
- Ibuhos ang tubig at hayaang kumulo.
- Hinaan ang apoy.
- Idagdag ang tangkay ng kangkong at sitaw.
- Palambutin at pagkatapos ay isama ang mga dahon at ang suka.
- Pakuluin uli ng hindi hinahalo.