Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

baguhin

Ito ang bida sa Noli me Tangere, kasintahan ni Maria Clara

Don Pedro Eibarramendia

baguhin

Ang pangalan ng lolo sa paa ni Don Crisostomo Ibarra..

Kapitan Tiyago

baguhin

Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Naging kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa simula ng nobela.

Padre Damaso Verdolagas

baguhin

Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria

Padre Salvi

baguhin

Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangin kay Maria Clara. l

Maria Clara Delos Santos y Alba

baguhin

Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

Don Anastacio (Pilosopo Tasyo)

baguhin

Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Isa sa mga makabayang Pilipino ng San Diego.

Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin

baguhin

Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes

baguhin

Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego at naging asawa ni Dona Consolacion.

Donya Victorina

baguhin

babaing nagpapanggap na maging mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila

Donya Consolacion

baguhin

Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali

Don Tiburcio de Espadaña

baguhin

Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares

baguhin

Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo

baguhin

Tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan

baguhin

Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.


Tarsilo at Bruno

baguhin

Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel

baguhin

Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba

baguhin

Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Inday, Sinang, Victoria, at Andeng

baguhin

Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan Heneral

baguhin

Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra

baguhin

Ama ni cristomo ibarra.. nang siya ay nabubuhay pa ay siya ang pinakamayaman na tayo sa buong san diego

Don Saturnino

baguhin

Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias

Mang Pablo

baguhin

Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias

Kapitan Basilio

baguhin

Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng Santo Tomas.

Tenyente Guevarra

baguhin

Isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsasalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria

baguhin

Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla

baguhin

Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino

baguhin

Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.