Ang Noli Me Tangere ay ang pinakamaimpluwensiyang akda sa kasaysayan ng Pilipinas; nagtaglay ng makatotohanang pangyayari na gumising sa mga Pilipino ang kawalang katarungang pagmamalupit at pang-aalipin ng mga Kastilang mananakop.

Sinimulang sulatin ni Dr Jose Rizal. Ang mga unang bahagi ng "'Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin"(na isa sa kanyang paboritong aklat) ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.

Hinggil sa May-akda

baguhin

Si Dr. J.Rizal ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Senior Francisco Mercado Rizal at Seniora Teodora Alonzo Realonda -Rizal. Siya ay pampito sa labing-isang magkakapatid - na sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad.

Una niyang guro ang kanyang ina. Sa edad na tatlo, marunong na siyang bumasa at sumulat dahil na rin sa tulong ng kanyang ina

Sa Ateneo Municipal de Manila siya nag-aral nang siya ay labing-isang taon. Napatunayan ang likas na galing, nakamit niya ang pinakamataas na karangalan sa pagtatapos niya ng Bachiller en Artes sa gulang na labinganim na taon.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas, Pilosopiya ang unang kursong kinuha niya rito. Noong Taong-Aralang 1878-1879, lumipat siya sa kursong Medisina udyok ng Rektor ng Ateneo. Mahalaga sa kaniya ang bagong kurso dahil nais niyang magamot ang nanlalabong paningin ng ina. Kasabay rito, kumuha siya ng kursong agrimensor sa Ateneo. Naipasa niya ang pagsusulit sa kursong ito sa gulang na labimpito.

Sa Universidad nang Taal ipinanganak si Rizal na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ng Medisina. Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang at ng mga Indian ang kaniyang pagtungo sa Europa. Tanging si Paciano ang nakatatandang kapatid na lalaki at ang kaniyang tiyuhin na si Antonio Rivera ang nakabatid sa kaniyang pag-alis. Noong Agosto 21, 1484, natapos niya ang Medisina na kung saan nakamit niya ang titulong "Licenciado en Medisina" sa unibersidad na ito. Sa sumunod na taon, Hunyo 19, 1385, natamo naman niya ang titulong "Licenciado en Filosopia y Letras" na may markang "Sobrasaliente" (Excellent).

Kapaligirang Pangkasaysayan sa Pagkakasulat ng Noli

baguhin

1884-1887 - tuklaw na panahon ./.

Uncle Tom's Cabin. Pinakamaimpluwensiyang panilikan ng Estados Unidos; sinulat ni Harriet Beecher Stowe, inilarawan dito ang di-makalarungan pagmamaltasdsrato sa mga aliping Negro mula sa Africa; ito ang akdang nakaimpluwensiya kay Rizal upang isulat ang Noli.
Mga taong unang nakabatid sa pagkakasulat: Graciano Lopez Jaena, Pedro Maximo, Antonio Paterno, Valentin Ventura, Julio Lorente, Melecio Giguerora, Eduardo de Lete at Evaristo Aguirre.
Unang kabiguan: Ang proyekto ay hindi naisakatuparan sa tatlong adahilanan:
  1. 'Ningas kugon' lamang ang inaasahang katulong sa pagsusulat;
  2. Ibang paksaang nais nilang isulat ay hinggil sa mga babae.
  3. Higit na hilig ng mga kaibigan niya ang pagsusugal at pambababae.
Sinimulanang Pagsulat. Bagaman nabigo si Rizal ukol sa tulong ng kapwang Pilipinong manunulat; gayunpaman, buong tatag mya itong sinimulang mag-isa.
  • 1884 - natapos niyang isulat ang unang kalahating bahagi ng Noli sa Madrid.
  • 1885 - natapos niya ang ikatlong kalahati sa Europa
  • Abril-Hunyo 1886 - natapos niya ang huling sangkapat at ang mga huling kabanata sa Wilhelmsfold, Alemanya.
  • Pebrero 1886 -nirebisa ang huling manuskrito ng nobel a sa Berlin; halos nauwi sa pagkakasunog ang manuskrito sa dahilang naubos ang pondo at siya ay nagkasakit; tila hindi maililimbag ang nobela.

Dr. Maximo Viola-kaibigan ni Rizal mula sa isang mayamang angkan ng San Miguel, Bulacan. Itinuring siyang tagapaglista ng Noli yamang siya ang naging instrumento upang mailathala ang Noli. Pinahiram sl Rizal ng sapat na pondo para rito maliban pa sa pang-araw-araw na gastos ni Rizal na noon ay naghihikahos.

Ang Paglilimbag

baguhin
  • Pebrero 21, 2001- nakahanap sina Rizal at Viola ng palimbagan sa Alemanya. Ito ay ang Berliner Buchdruckrei Action Gesslsschaft. Pinili nila ito dahil mababa ang singil-300 piso para sa 2,000 sipi ng akda.
  • Marso 21, 1887 -lumabas ang mga sipi ng Noli Me Tangere.
  • Mga unang nakatanggap: Dr.Ferdinand Blumentritt, Dr.Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce at Felix Hidalgo.
  • March 29, 1887 - natanggap ni Maximo Viola ang mapagpahalagang nota mula kay Rizal. Kasama rin sa ibinigay ni Rizal sa kanya ay ang 'golley droof' ng Noli, panulat na ginamit at isang komplimenlaryong sinipi kung saan isinulat ni Rizal ang nota. At inadd niya ako sa facebook itago nalang sa pangalang RV LYN

Mga Resulta ng Pagkakalimbag ng Noli

baguhin
  1. Pakikipagkita kay Gobernador Heneral Emilio Ferrero (1885-1888) - Sumulat ang gobernador kay Rizal upang imbitahin siya sa Malakanyang, Una pa rito, nabalitaan na ng gobernador na ang Noli ay humihimok ng subersibong kaisipan. Ipinaliwanag ni Rizal na malayong hangarin ng Noli ang magtanim ng nabanggit na ideya bagamat isinulat niya ang totoong kalagayan ng lipunan noon . Tinanggap ng gobernador ang paliwanag ni Rizal at humingi pa ito sa kanya ng kopya upang mabasa niya. Sinikap ni Rizal na makakuha ng kopya dahil siya mismo ay naubusan ng personal na sipi.
  2. Mga Dating Guro: Tuwang-tuwa ang mga Heswita sa aklat anupat ayaw na nilang mawala ang kani-kanilang kopya sa kanilang mga kamay kahit ng humingi si Rizal ng isang kopya mula sa kanila upang ibigay sa gobernador heneral. Ang mga guro ay sina Padre Francisco de Paula Sanchez, Padre Jose Bech at Padre Federico Faura.
  3. Pag-iingat sa Kaligtasan ni Rizal: Batid ng gobernador heneral na manganganib ang buhay ni Rizal lalo na sa kamay ng mga prayle. Inatasan niya si Don Jose Taviel Andrade, isang batang tenyenteng Espanyol, upang bantayan si Rizal.
  4. Lumantad ang mga kaaway ng Noli: Mga makapangyarihang Dominikong pinuno ng simbahan ang lumabas na pangunahing kalaban ng nobela.
    1. Msgr. Pedro Payo - Arsobispo ng Maynila na nagpalaki ng siping Noli kay Padre Rektor Gregorio Echavarria ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa layuning maeksamen ng isang komite ang nasabing akda.
    2. Mga Dominikang Propesor -bumuo o miyembro ng komite.
    3. Padre Rektor Gregorio Echavarria - pinadala ang resulta ng pag-aaral sa Noli.
    4. Padre Salvador Font Agustinong Kura ng Tondo; pinamunuan ang permanenteng komisyon na umeksamen sa Noli, iniulat niya na ang nobela ay nagtataglay ng makasedisyong ideya hindi lamang laban sa simbahan kundi laban din sa pamahalaan. Inirekomenda niya ang pagbabawal sa "importasyon, reproduksyon at pamamahagi ng mapanganib na aklat na ito."
    5. Padre Jose Rodriguez - isa ring Agustino at Superior ng Guadalupe. Naglathala siya ng serye ng walong polyeto na may pamagat na 'Cuestiones de Sumo Interes' (katanungan na may Dakilang Interes) upang tuligsain ang nobela.
    6. Mga Senador ng Cortes ng Espanya: Nakarating ang kontrobersya ng Noli hanggang Espanya. Kabilang sa mga senador na tumulig sa ay sina Heneral Jose de Salamanca, Sr. Fernando Vida at Heneral Luis M. de Pando.
    7. Vicente Barrantes' - akademiko ng Madrid at dating nanungkulan sa pamahalaan sa Pilipinas. Siniraan niya ang Noli sa pamamagitan ng kanyang artikulong inilathala sa La Espana Moderna noong Enero 1890.
  5. Mga Tagapagtanggol ng Noli
    1. Mga Repormista: Marcelo H. del Pilar, Dr.Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce at iba pa.
      1. Marcelo H. del Pilar -mga pagtatanggol niya ay ang mga sumusunod:
        1. Sinagot niya ang komento ni Padre Font ng komisyon ng Sensura.
        2. Sa sagisag na "Dolores Managat", naglathala siya ng munti aklat na may pamagat na "Caiigat Cayo" na nangangahulugang maging madulas tulad ng igat sa pagtatanggol sa Noli. Ang aklat ay pantapat sa "Caiingat Cayo", isang munting aklat ni Padre Jose Rodriguez. Ipinamahagi sa loob ng simbahan at hindi napuna ng mga prayle sa pag-aakalang ito ang aklat ni Padre Rodriguez.
    2. Mga Dayuhan:
      1. Padre Sanchez -paboritong guro ni Rizal;
      2. Don Segismundo Moret -mananalaysay at estadista at Propesor Ferdinand Blumentritt -propesor at edukador at naging matalik na kaibigan ni Rizal.
      3. Rev. Vicente Garcia -isang di-inaasahang taga-depensa ng Noli. Isa siyang Pilipinong katolikong Pari at iskolar ng katedral ng Maynila. Sa pamamagitan ng kanyang pangalawang panulat na Justo Desiderio Magalang, naisulat niya ang kanyang pagtatanggol na nailathala pa sa Singapore. Alin sa mga argumento ni Padre Garcia laban kay Padre Rodriguez ay:
        1. Maling sabihing si Rizal ay "ignorante" sapagkat siya ay nakapagtapos sa mga Unibersidad ng Espanya kung saan siya ay nakatanggap ng mga karangalan.
        2. Hindi totoong tinuligsa ni Rizal ang simbahan at ang pamahalaang Epanya kundi ang masasamang opisyal at tiwaling mga prayle lamang.
        3. Itinuring ni Padre Rodriguez ang mga bumasa sa Noli bilang mga gumawa ng kasalanang mortal. Samakatuwid, si Rodriguez ay may kasalanang mortal sapagkat nabasa niya ang aklat.
  6. Mga Sulat ni Rizal Kay Maximo Viola: "Sa mahal kong kaibigang Maximo Viola, ang unang nakabasa at nagpahalaga sa aking isinulat."......