Buksan ang pangunahing menu

Noli Me Tangere/Kabanata 57 : Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig

BuodBaguhin

Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation at ang kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo Lino. Kasunod niya ang isang parang batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil.

Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung may kinalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa niya ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno na tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg at dalawang hindi kilala. Dahil sa patuloy itong walang imik kahit na sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.

Hindi nagsasalita si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niya nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. ilang beses ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.

Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawas sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.




buod: Nababalisa at matamlay ang mga guwardiya sibil na nasa kwartel. Nagbabanta sila sa mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroon ang alpares na palakad lakad at panay silip sa pintuan. Si Donya Consolacion ay naghihikab at nakikita ang sungki-sungki nitong mga ipin. Ang kapitan ay halatang napaka lungkot sapagkat hindi siya nakaupo sa silyang nasa ilalim ng larawan ng hari ng espanya. Dahil nagtagumpay ang alpares pinayagan niyang manood ang asawa upang mapanood ang pahihirap ng mga nadakip. Ika9 ng umaga dumating ang kura. Nagutos ang alpares na buksan ang kulungan at ilabas ang dalwang bilanggo. Masangsang ang amoy mula sa loob ng bilangguan. Nanghaba naman ang leeg ni Donya Consolacion sa pagsilip sa mga bilanggo. Inilabas si Tarsilo na nakaposas at punit punit ang damit na suot. Ipinakilala ng alpares sa kura ang unang bilanggo. Ang pangalawa naman ay parang isang batang duguan ang salawal natamaan siya sa pigi. Sila lamang ang nakaligtas sa mga mananalakay.at dahil hindi mapaamin si Tarsilo ng kura ipinadala niya ito sa bangkay ng kanyang kapatid na si Bruno. At dahil hindi pa umamin si Tarsilo ay pinagutos ng kura na paluin ng yantok hanggang sa bumagsak ang katawan nito. Nakita ng kura na nakasilip ang kapatid na babae ni tarsilo na binibilang ang palo sa katawan ng lalaki.sa bulwagan ginawa ang labis na pagpapahirap kay Tarsillo na pinanood ng maraming tao. Kinalag na ang posas ni Tarsilo at sumenyas na ang alpares. Binulungan ng asawa ang dapat na gawin. Ibitin ng patiwarik sa balon sabi niya. Unti unting nilulunod ng marumi at mabahong si tarsilo. Walang makuhang impormasyonat hindi mapaamin siTarsilo kaya ito ay itinimbang sa balong nakakasulasok ang amoy. Nagtanong ang gwardya sibil sa isang bilanggo na kung anong pangalan nito at sinabing Andong luko-luko nagtawanan naman ang mga gwardiya sibil nagpaliwanag naman ang lalaki na sumakit lamang ang tiyan niya kaya siya na huli katapos naming magpaliwanag ng lalaki ay agad itong pinalo sa ulo ng yantok at dadalhin sa kapitolyo.Pumasok ang lalaki sa banyo at sumunod si Tarzan,sinilip niya ang lalake habang may ginagawang kababalaghan,"Juskupo! Bat mo ako sinisilip???!" Sinabi ng lalake at sinabi ni Tarzan na "Ha? Sino? Ako? Bulag ako! Tulungan mo naman ako!"