Buksan ang pangunahing menu

Noli Me Tangere/Kabanata 44 : Pagsusuri sa Budhi

Mark lhoven estillore


Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.

Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.

Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang pag lipat ng parokya ni Pari Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi naman ng kura na mabuti nga ang di pag papahintulot ng kapitan na mag kausap ang anak at si Ibarra. Pero, tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria.

TalasalitaanBaguhin

  1. Pagsusuri sa Budhi - pagsusuri ng pakulo
  2. Tagaktak - maraming pawis na dumadalakoy
  3. Matutunghayan - mapapanood

==Aral == Hindi naniniwala si Rizal na sa pangungumpisal, gumiginhawa ang kalagayan ng may karamdaman Haashshs