Noli Me Tangere/Kabanata 26 : Ang Bisperas ng Pista

Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista sa bayan ng San Diego. Naging masigla sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako. Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.

Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may nakahandang pagkain at alak na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ang relyenong pabo, serbesa, tsampan na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga, kaibigan o kaaway, at sa mga Pilipino, mahirap man o mayaman upang masiyahan sila sa pista.

Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga,belong ginantsilyo, alpombra. Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din.

Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan na tinatawag na sinkaban. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasdunod ang mga putok ng mga kuwitis at bomba.

Mayroong limang banda ng musiko at tatlong orkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Joaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos ay mamumuhunan ng 10,000 na ipupusta sa ruweda ng sabungan. Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga, araw ng pista.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa,ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral.

Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay humiling na siya ang gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang bato sa huling araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simbahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang lahat ng gastos.

Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi ngunit tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha’t pakitang giliw, lalong kaiingata't kaaway na lihim, siyang isaisip na kakabakahin.

PagsusuriBaguhin

ipinakita nita ni Rizal na sa kabuuan, ang pagdiriwang ng pista ay kinikitaan ng mga sumusunod :

  1. kaluhuan
  2. labas ang halos lahat ng bisyo -pagsusugal, paglalasingan
  3. kanser ng lipunan - kumikitil sa katinuan ng mga mamamayang Pilipino at ganun din sa mga tagapamahala.
  4. karangyaan at kawalang Gana.