Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 piraso dila ng baka
1 ulo bawang
1 kutsarita paminta
1 kutsarita asin
½ tasa sausage
½ tasa giniling na hamon
½ tasa Chorizo de Bilbao
¼ kilo giniling na baboy
3 buo itlog
1 tasa mantika

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Linising mabuti ang dila.
  2. Pakuluin sa tubig na may asin.
  3. Kayasin ang panlabas na balat para matanggal ang parang maputi-puting balat na nakakapit sa dila.
  4. Dahan-dahan lamang ang pag-alis para hindi sumama ang laman nito.
  5. Kung malinis, banlawan ng sandali upang maging malinis na malinis na.
  6. Hiwain ng manipis at pahaba. Huwag puputulin ang dila.
  7. Lagyan ng panlaman (iba pang sangkap).
  8. Taliin.
  9. Iprito sa mantika ang may lamang dila hanggang sa pumula ang itsura nito.
  10. Pagkatapos pakuluan sa tatlong tasang tubig na may kasamang sibuyas, alak, asin at dahong laurel.
  11. Ipagpatuloy ang pagpapakulo hanggang sa maluto ito.
  12. Pagkaluto ilagay sa isang bandehado.
  13. Gayakan ng isang gilit na kintsay.