Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 tasa patani
¼ buo kalabasa
10 habang talbos na kalabasa
6 tasang hugas-bigas
pulgadang luya, pitpitin

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Ilagay sa kaldero ang hugas-bigas.
  2. Ihalo ang pinitpit na luya. Pakuluin.
  3. Pagkaraan ng ilang sandali, isama ang patani.
  4. Pagkaluto, isama ang kalabasa.
  5. Ipagpatuloy ang pagluluto.
  6. Ilagay ang talbos ng kalabasa.
  7. Timplahan ng asin.
  8. Ihaing mainit.