Noli Me Tangere/Kabanata 63: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Tanggalin ang pagbabagong 7708 ni 222.127.223.76 (Usapan)
Linya 8:
 
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
 
54554444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444444666666666666666666666ayngaNang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.
 
Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.