Buksan ang pangunahing menu

Changes

inalis ang mga pambababoy
{{chapter header
<blockquote>
| pamagat = Mga tauhan at tagpuan
Block quote
| section =
</blockquote>{{chapte[[[Link title]
| nakaraan = ←[[Florante at Laura/Patungkol|Patungkol]]
| susunod = [[Florante at Laura/Kabanata 1|Pag-Aalay kay Selya]]→<br><small>[[Florante at Laura/Kabanata 1/Paliwanag|Paliwanag]]→</small>
}}
[[Category:Florante at Laura|M]]
==Mga tauhan==
===Mga pangunahing tauhan===
 
====Florante====
 
Si '''Florante''' {{IPA|[flo'ran̪t̪ɛ]}} ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni [[Duke Briseo]], siya ay ang mang-iibig ni [[Laura]]ng [[:w:Prinsesa|Prinsesa]] ng [[:w:Kaharian ng Albanya|Kaharian ng Albanya]]ng namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si [[Prinsesa Floresca]], [[:w:Krotona|Krotona]] ay sinakop ng mga [[:w:moro|Morong]] [[:w:Persya|Persyano]].
 
Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay [[Aladin]], ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga [[:w:leon|leon]] nang siya ay nakagapos pa dahil sa [[Konde Adolfo]].
 
====Konde Adolfo====
 
Sa Florante at Laura, si '''Konde Adolfo''' {{IPA|['kon̪d̪ɛ a'dolfo]}} ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng [[Konde Sileno]], at pareho silang nagmula sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]]. Unang nagkita sina Konde Adolfo at [[Florante]] sa [[:w:Atenas|Atenas]] kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang higit na matanda.
 
Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si [[Antenor]].
 
====Aladin====
 
Si '''Aladin''' {{IPA|[ala'din]}} ay isang [[:w:Moro|Morong]] [[:w:Persya|Persyano]]ng tumulong kay [[Florante]], at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si [[Sultan Ali-Adab]] na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si [[Flerida]].
 
Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo.
 
Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng [[:w:Persya|Persya]], siya na ang naging [[:w:Sultan|sultan]].
 
====Laura====
 
Si '''Laura''' {{IPA|['laʊra]}} ang minamahal nang lubos ni [[Florante]]. Anak ng [[Haring Linceo]] ng [[:w:Albanya|Albanya]], siya ang [[:w:prinsesa|prinsesa]] ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.
 
Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa pagpapalit sa kanya kay [[Konde Adolfo]].
[[Image:Hephaistos temple 2006.jpg|150px|right|thumb|Isang templo sa [[:w:Atenas|Atenas]]]]
====Menandro====
 
Si '''Menandro''' {{IPA|[me'nandro]}} ang matalik na kaibigan ni [[Florante]] sa [[:w:Atenas|Atenas]] na lumigtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni [[Adolfo]]ng kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas.
 
Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]] nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.
 
====Flerida====
 
Si '''Flerida''' {{IPA|['flɛrida]}} ang kasintahan ni [[Aladin]]g inagaw mula sa kanya ni [[Sultan Ali-Adab]]. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa [[:w:Sultan|Sultan]], napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.
 
===Mga iba pang tauhan===
====Duke Briseo====
 
Si '''Duke Briseo''' {{IPA|['duke brɪ'sɛjo]}} ang maarugaing ama ni [[Florante]], at naglilingkod bilang sariling tanungan ng [[Haring Linceo]] ng [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]]. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng [[Konde Adolfo]] nang kanyang agawin ang trono ng [[Haring Linceo]].
 
====Prinsesa Floresca====
 
Si '''Prinsesa Floresca''' {{IPA|[prin'sɛsa flo'reska]}} ang ina ni [[Florante]]. Siya ay mula sa bayan ng [[:w:Krotona|Krotona]], at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa [[:w:Atenas|Atenas]] pabalik ng [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]].
[[Image:Gyps fulvus Richard Bartz.jpg|thumb|right|270px|Isang [[:w:Buwitre|buwitre]]]]
[[Image:Usdaemmer1.jpg|270px|right|[[:w:Trigo|Trigo]]|thumb]]
====Menalipo====
 
Si '''Menalipo''' {{IPA|[me'nalɪpo]}} ay isang pinsan ni [[Florante]]. Iniligtas niya si Florante mula sa isang [[:w:Buwitre|buwitreng]] daragitin sana siya nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang [[:w:pana|pana]] at [[:w:busog|busog]]. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na higit na matanda kaysa kay Florante.
 
====Antenor====
 
Si '''Antenor''' {{IPA|[antɛ'nor]}} ay isang guro sa [[:w:Atenas|Atenas]] nina [[Florante]], [[Konde Adolfo]] at [[Menandro]].
 
====Konde Sileno====
 
Si '''Konde Sileno''' {{IPA|['konde si'leno/]}} ang ama ni [[Konde Adolfo]]ng ayon kay [[Florante]] ay marangal.
 
====Haring Linceo====
 
Si '''Haring Linceo''' {{IPA|['harɪŋ lin'sejo]}} ang [[:w:hari|hari]] ng [[:w:Kaharian ng Albanya|Kaharian ng Albanya]], at ama ni [[Laura]]. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng [[:w:trigo|trigo]] upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni [[Konde Adolfo]] ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.
 
====Sultan Ali-Adab====
 
Si '''Sultan Ali-Adab''' {{IPA|[sul'tan 'aliˌadab]}} ang [[:w:sultan|sultan]] ng [[:w:Persya|Persya]]ng umagaw sa kasintahan ni [[Aladin]]g si [[Flerida]]. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa [[:w:Persya|Persya]], ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan.
 
====Osmalic====
 
Si '''Osmalic''' {{IPA|[os'malɪk]}} ang [[:w:heneral|heneral]] ng hukbong [[:w:Persya|Persyanong]] sumakop sa [[:w:Krotona|Krotona]] sa ilalim ng utos ni [[Aladin]].
 
====Miramolin====
 
Si '''Miramolin''' {{IPA|[mɪ'ramolin]}} ang pinuno ng mga mananakop ng [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]] mula sa [[:w:Turkiya|Turkiya]].
 
==Mga tagpuan==
{{Babala-IPA}}
Ito ang talaan ng mga tagpuan sa [[Florante at Laura]].
 
#[[:w:Albanya|Albanya]]
#[[:w:Atenas|Atenas]]
#[[:w:Etolya|Etolya]]
#[[:w:Epiro|Kagubatan ng Epiro]]
#[[:w:Persya|Persya]]
#[[:w:Krotona|Krotona]]
1,092

edit