Florante at Laura/Kabanata 27/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Felipe Aira (usapan | ambag)
mNo edit summary
Linya 8:
Nasasaad sa kabanatang itong habang nagsasalita si Flerida roon sa [[Florante at Laura/Kabanata 26|huling kabanata]], biglang dumating ang isang [[:w:hukbo|hukbong]] naghahanap kay [[Adolfo]]ng, malamang upang [[:w:pagkabilanggo|bilangguin]] o [[:w:parusa|parusahan]], mula sa [[:w:Etolya|Etolya]]; ang hukbong ito ay pinamumunuan ni [[Menandro]], kaya naman ang pagdating nito ay lubhang ikinasaya ni Florante dahil si Menandro ang kanyang [[:w:matalik na kaibigan|matalik na kaibigan]], at ang parehong hukbong kumubkob sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]], at [[:w:pagpapatiwalag|nagpatalsik]] kay Adolfo mula sa trono. Isinigaw ng hukbong ito ang kanilang paggalang sa mga bagong pinuno ng Kaharian ng Albanyang sina Florante at Laura.
 
Matapos niyon, bumalik sila sa [[:w:kaharian|kaharian]], at doon ipinagdiwang ang [[:w:binyag|pagbibinyag]] nina Aladin at Flerida sa [[:w:Kristiyanismo|Kristiyanismo]], at ang kanilang pagpapakasal, pati na rin ang kina Florante at Laura. Tumagal ang panahon, at namatay na rin ang [[Sultan Ali-Adab]], ang ama ni Aladin, kaya umuwi na siya at si Flerida pabalik ng [[:w:Kaharian ng Persya|Persya]] upang maging bagong pinuno nito. Sa pamumuno ni Florante bilang bagong [[:w:hari|hari]] ng Albanya, naging mapayapa ang [[:w:kaharian|kaharian]] hanggang sa kanyang [[:w:kamatayan|kamatayan]].}}