Florante at Laura/Kabanata 9/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
m inayos ang kawing
Felipe Aira (usapan | ambag)
mNo edit summary
Linya 5:
==Buod==
[[Image:Lions - melbourne zoo.jpg|360px|thumb|Dalawang [[:w:leon|leong]] namamahinga, at isang natutulog.]]
Kakatapos lamang magsalita ni [[Aladin]], mayroong dumating na dalawang mga [[:w:leon|leong]] hinahangos sa paglakad sa kinalalagyan ni [[Florante]]. Tinungo si Florante ng dalawang leon upang kainin, ngunit tumigil nang matagal na panahon ang mga ito sa kanyang harapan. Naawa ang mga leon sa kalagayan ni Florante kaya sila tumigil. Sa katotohanan, hindi lamang ang mga leon ang naawa kay Florante kundi pati rin si [[:w:Balagtas|Francisco Balagtas]] mismo, ang may-akda ng awit.
 
Pagkatapos ng pagpapahayag ng kaawaan kay Florante ni Balagtas, nagsimula nang magsalita si Florante. Nangusap siya sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]], ang kanyang inang bayan. Inilarawan niya ang kasalukuyang kalagayan nitong lubhang masaklap. Inilarawan naman ni Florante ang kanyang pagmamahal sa bayan niyang Albanya, at ang mga naipaglingkod niya roon. At dahil sa paglilingkod niyang ito, itinatanong niya sa Albanya kung bakit siya hinayaang magkaganito, at ipinalagay na lamang niyang ito ang kabayaran sa kanya ng Albanya bagaman pinaglingkuran niya ito at ipinagtanggol.