Ang '''Florante at Laura''' {{IPA|[flo'ranteran̪t̪ɛ 'at 'laʊra]}} ay isang aklat na isinulat sa awit ni [[:w:Francisco Balagtas|Francisco "Balagtas" Baltazar]]. Ito ay nangangahulugang ang mga taludtod nito ay naglalaman ng 12 pantig, habang ang mga saknong naman nito ay naglalaman ng 4 na taludtod. Nagsisimula ang salaysay nito mula sa isang binatang naghihirap na nakagapos sa isang puno ng [[:w:Higera|higera]], hanggang sa isang masayang pagtatapos at pagkamatay ng [[Konde Adolfo]], ang pangunahing kontrabida sa salaysay.