Florante at Laura/Kabanata 24/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 4:
| Nilalaman =
==Buod==
 
Sa kabanatang ito, si [[Aladin]] naman ang nagsasalaysay ng kanyang buhay, na bago niya nasalaysay ay naalala niya muna ang mga pighating dinaan lalo na ang kay [[Flerida]], ang kanyang minamahal. Sa unang salaysay niya, ipinakilala niya muna ang sarili bilang si Prinsipe Aladin ng [[:w:Kaharian ng Persya|Persya]], anak ng [[Sultan Ali-Adab]].
Sa unang salaysay ni [[Aladin]] habang namimighati sa mga dinaanang pasakit ukol kay [[Flerida]], ipinakilala niya muna ang sarili bilang si Prinsipe Aladin ng [[:w:Kaharian ng Persya|Persya]], anak ng [[Sultan Ali-Adab]]. Matapos niyon, nilibot nina Aladin at [[Florante]] ang gubat habang itinutuloy ang pagsasalaysay tungkol naman sa kanyang buhay.
 
Ayon kay Aladin, hindi malalagpasan ng hirap na dinaanan niya habang ipinaglalaban si Flerida mula sa kanyang ama kahit ang mga [[:w:digmaan|digmaan]] niyang kinabaka bilang isang [[:w:mandirigma|mandirigma]].
 
Matapos noon, isinalaysay niya naman ang kanyang [[:w:bilangguan|pagkabilanggo]] at kasabay na [[:w:hatol ng kamatayan|hatol ng kamatayan]] sa [[:w:pagpugot|pagpugot]] sa Persya pagkagaling niya sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]] nang pinamunuan niya ang pananakop ng mga [[:w:Moro|Moro]] rito. Ang kaparusahang ito ay dahil daw sa pag-iwan niya sa kanyang [[:w:hukbo|hukbo]] nang hindi pa iniuutos ng kanyang ama; makikita sa [[Florante at Laura/Kabanata 18|Kabanata 18]] iniwan niya ito sa kanyang [[Heneral Osmalic]], at sa [[Florante at Laura/Kabanata 25|susunod na kabanatang]] ito ay isang panakip-butas lamang sa isang pansariling hinahangad ng kanyang amang si Ali-Adab.
 
 
}}