Florante at Laura/Kabanata 23/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 4:
| Nilalaman =
----
Matapos ang ilang buwan nang nabawi na nina [[Florante]] ang [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]] mula sa mga [[:w:Moro|Moro]], may mga nagbabanta nanamang [[:w:pananakop|manakop]] sa Albanya at mga karatig-bansa nito. Ang bantang ito ay ang mga [[:w:Turko (pangkat etniko)|Turkong]] [[:w:Moro|Moro]]. Ikinababahala ito ni [[Laura]] nang lubha sa pag-aalalang maaaring umalis nanaman si Florante upang managupa ng mga nananakop, at sa huli mamatay.
 
Bagaman ikinakatakot ni Laura, inatasan si Florante ng [[:w:hari|haring]] bilang [[:w:heneral|heneral]] kaya tungkulin at kailangan niyangniya talagang kalabanin ang mga [[:w:mananakop|mananakop]]. Muli sa [[:w:digmaan|digmaang]] ito kasama niya si [[Menandro]], ang kanyang matalik na [[:w:kaibigan|kaibigan]] sa pakikibaka. Sa katapusan ng kanilang maraming pakikibaka, 17 hari ang nagbigay-galang kay Florante bilang pasasalamat.
 
Isang araw, kakatapos pa lamang ng kanilang pagkapanalo sa [[:w:Etolya|Etolya]], nakatanggap si Florante ng isang sulat na mula raw sa [[Haring Linceo]]; ngunit malalaman niya rin sa bandang huli ng kabanata, at sa pagsasalaysay ni Laurang ito ay hindi totoo. Sa sulat na iyon, iniuutos ang kanyang pag-uwi nang mag-isa habang ang kanyang [[:w:hukbo|hukbo]] ay ipapaubaya kay Menandro. Sa paniniwala ni Florante, kanyang isinunod ang nasasaad sa liham.
}}