Florante at Laura/Kabanata 22/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
tatapusin mamaya
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 5:
----
[[Image:Ávila 24-8-2002.jpg|Isang [[:w:muog|muog]] na matatagpuan sa [[:w:Espanya|Espanya]].|thumb|right|248px]]
Sa pagsasalaysay ni [[Florante]], dumaan na ang limang buwan simula nang binawi nila ang [[:w:Krotona|Krotona]] kaya naman ipinagpilit niyang umuwi. Batay sa mga isinalaysay ni Florante, masasabing mabagal ang pag-usad nila, at kaya nga hangad niya nang liparin ang [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]] dahil sa sobrang pagmamadali upang makita muli si [[Laura]]. Ngunit noong nakita niya ang [[:w:muog|muog]] ng Albanya, mayroon siyang naramdamang hirap sa puso niya. Nang sila ay malapit na sa muog, nalaman na ni Florante ang dahilan ng [[:w:salagimsim|salagimsim]] niya; ang muog ay nagwawagayway na ngayon ng bandilawatawat ng mga [[:w:moro|Moro]], ang [[:w:bituin at gasuklay|bituin at gasuklay (☪)]]; ito ay ibinanggit sa awit sa [[Wikang Kastila|Kastila]] nitong ngalan. Nangangahulugan itong ang Albanya ay sinakop ng mga Moro, na ayon kay Florante, pinapamunuan ni [[Aladin]], ang hindi niya nalalamang pinagsasalaysayan niya pala; ngunit ito ay mapapabulaanan din ni Aladin mismo kapag ipinakilala niya na ang sarili niya, at isinalaysay ang buhay sa [[Florante at Laura/Kabanata 24|Kabanata 24]].
<center>
<gallery>
Image:Flag Kingdom Of Albania.svg|[[:w:Bandila ng Kaharian ng Albanya|Bandila ng Kaharian ng Albanya]]
Image:Star and Crescent.svg|[[:w:Bituin at gasuklay|Bituin at gasuklay]] (☪)na [[:w:watawat|watawat]]
</gallery>
</center>}}
<!-- [[Image:Lucca Giordano - The Rape of Lucretia.JPG|left|Isang [[:w:kuwadro|kuwadro]] ng [[:w:panghahalay|panghahalay]]|thumb|100px]] -->
Dahil sa nakita niyang iyon, agad pinatigil ni Florante ang kanyang [[:w:hukbo|hukbo]] "sa paa ng isang [[:w:bundok|bundok]] na mabangin". Sa tinigilan nilang iyon, natanaw nila ang hukbong Moro, at ang isang babaeng [[:w:pagpugot|pupugutan]]; ikinatakot naman iyon ni Florante dahil baka si Laura iyon. Sa galit, bigla nilang inilusob ang mga Moro, at nang tapos na nilang mapatay ang lahat, nilapitan niya ang nakagapos na pupugutan, at inalis ang takip nito sa ulo. Nagulat si Florante matapos nito dahil ang babaeng nakagapos ay si Laura. Si Laura, ayon kay Florante, ay pupugutan dahil sa pagpalag niya sa [[:w:panghahalay|panghahalay]] ng isang di-ipinapangalanang [[:w:emir|emir]], ang pinuno ng mga Morong [[:w:mananakop|mananakop]]. Pinakawalan niya si Laura.
 
Matapos ang lahat ng iyon, napansin nilang [[:w:bilangguan|nakabilanggo]] ang [[:w:kaginuohan|kaginuohan]]}}