Florante at Laura/Kabanata 14: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
Bagong pahina: {{Florante at Laura|awit|14| A = Laki sa Layaw | B = Uliran | K = Hiram na Bait | Kasalukuyan = Florante at Laura | Orihinal = }}

Felipe Aira (usapan | ambag)
lumang bersyon
Linya 3:
| K = Hiram na Bait
| Kasalukuyan = [[Florante at Laura]]
| Orihinal = }}
Aquing tinitipon ang iquinacalat
ng masayáng ban~gó n~g m~ga bulaclác,
ina-aglahi co ang larouang pulad
mahinhíng amiha,t, ibong lumilipad.

Cong acó,i, mayroong matanao na háyop
sa tinitin~galáng malapit na bundóc,
bigláng ibibinit ang panâ sa búsog,
sa minsang tud-lâ co,i, pilit matutuhog.

Tanáng sámang lincód ay nag-aágauan
unang macarampót nang aquing napatáy
ang tiníc sa dauag ay dî dinaramdám,
palibhasa,i, toua ang naca-aacay.

Súcat maligaya sino mang manoód
sa sinuling-suling n~g sáma cong lingcód,
at cong masundúan ang bangcay n~g háyop
ingay n~g hiyauan sa loob n~g tumóc.

Ang larouáng búsog ay cong pag-sauaan,
u-upo sa tabí n~g matuling bucál,
at mananalamín sa linao n~g cristal,
sasagap n~g lamig na ini-áalay.

Dito,i, mauiuili sa mahinhing tinig
n~g nan~gag-sasayáng Nayadas sa bátis,
taguintíng n~g Lírang catuno n~g auit
mabisang pamaui sa lumbay n~g dibdib.

Sa tamis n~g tinig na cahalac-halác
n~g nag-aauitang masasayáng Ninfas,
na-aanyayahan sampóng lumilipád
sari-saring ibong agauán n~g dilág.

Cayâ n~ga,t, sa san~ga n~g cahoy na ducláy
sa mahál na bátis na iguinagalang
ang bulág na gentil, ay nag lulucsuhan
ibo,i, naquiquinig n~g pag-aauitan.

Anhín cong saysain ang tinamóng touá
ng cabataan co,t, malauig na lubhâ
pag-ibig ni amá,i, siyang naguing mulà
lisanin co yaóng gúbat na payapa.

Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala
dî dapat palac-hín ang bata sa sayá
at sa catoua-a,i, capag-namihasa
cong lumaquí,i, ualáng hihintíng guinhaua.

Sa pagca,t, ang mundo,i, bayan n~g hinagpis
namamaya,i, súcat tibayan ang dibdib,
lumaquí sa toua,i, ualáng pagtiti-is
¿anóng ilalaban sa dahás n~g sáquit?

Ang táuong mágaui sa ligaya,t, aliu
mahinà ang púso,t, lubháng maramdamin,
inaacala pa lamang ang hilahil,
na daratná,i, dinâ matutuhang bat-hín.

Para n~g halamang lumaguí sa tubig,
daho,i, malalantá munting dî madilig,
iquinalolo-óy ang sandaling init,
gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig.

Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá,
dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá,
ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá
ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.

Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád
sa bait at muni,t, sa hatol ay salát,
masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap,
habág n~g magulang sa irog na anác.

Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál
ang isinasama n~g báta,i, nunucál
ang iba,i, marahil sa capabayaan
nang dapat magturong tamád na magulang.

Ang lahát nang itó,i, cay amáng talastás,
cayâ n~ga ang lúha ni ina,i, hinamac,
at ipinadalá acó sa Atenas,
bulág na ísip co,i, n~g doon mamulat.

Pag-aral sa aquin qy ipinatungcól
sa isang mabait, maestrong marunong
lahi ni Pitaco, n~gala,i, si Antenor,
lumbay co,i, sabihin nang dumating doon.}}