Florante at Laura/Kabanata 8/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
nilapatan ng suleras
Felipe Aira (usapan | ambag)
m inayos ang kawing
Linya 4:
| Nilalaman =
==Buod==
{{rquote|right|<center>''"Sino'ng nananaghoy sa ganitong ilang?"''</center>|[[Florante at Laura/Mga tauhan#Aladin|Aladin]]|[[Florante at Laura]]}}
Kagaya ng sinabi sa [[Florante at Laura/Kabanata 7/Paliwanag#Mga ginawa ni Aladin|huling pagpapaliwanag]], matapos magsalaysay ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Aladin|Aladin]] tungkol sa kanyang nakaraan bago siya pumunta sa gubat, mistulang sinagot ito ng mga panaghoy ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]] sa kabilang bahagi ng gubat. Ang mga panaghoy na itong narinig ni Aladin, na nagpapahiwatig na hindi lamang siya ang tanging tao sa gubat na iyon, ay ikinagulat niya. Dahil doon, hinangad niyang hanapin kung sino ang pinagmulan niyon, ngunit hindi niya nakita ang pinagmulan ng mga panaghoy. Matapos ang ilang sandali, narinig niya nanaman ito. Lalo niyang ikinagulat ito. Sa huli, tinanong niya kung sino nga ang nananaghoy, at nagsalaysayan silang dalawa; ang parehong pagsasalaysay ng dalawa ay umiikot sa kani-kanilang mga ama.
 
==[[Florante at Laura/Mga tauhan#Duke Briseo|Duke Briseo]]==
 
:''Punong artikulo: [[Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Duke Briseo]]''
Linya 13:
===Patungkol===
 
Si [[Florante at Laura/Mga tauhan#Duke Briseo|Duke Briseo]] ay ang ama ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]], at [[:w:pansariling tanungan|pansariling tanungan]] ng [[:w:Hari ng Kaharian ng Albanya|hari ng Albanya]]. Para kay Florante, walang kaparis ang kanyang amang Duke Briseo, nagpapahiwatig ng malalim na pagmamahal niya para sa Duke.
 
===Pagkamatay===
{{rquote|right|<center><i>"At alin ang hirap na 'di ikakapit sa iyo ng [[Florante at Laura/Mga tauhan#Konde Adolfo|Konde Adolfong]] malupit? Ikaw ang salamin sa [[:wikt:reyno|Reyno]] ng bait, pagbubuntunan ka ng malaking galit."</i></center>|[[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]]|[[Florante at Laura]]}}
Natapos ang buhay ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Duke Briseo|Duke Briseo]] dahil sa kasamaan at pagpapasakit na inihahatid ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Konde Adolfo|Konde Adolfo]]. Pinatay ang Duke Briseo ng mga tauhan ng Konde Adolfo; mabilis na pinugot ang kanyang ulo, na sa bilis ay hindi pa siya nakapagdadasal, pinugutan na siya, naghiwalay-hiwalay ang kanyang lamang loob at buto sa isa at isa, marahil isang [[:w:pagmamalabis|pagmamalabis]] lamang upang ilarawan ang pagpapasakit na ginawa sa Duke, at ipinagtapunan ang kung ano ang natira sa kanya at mga pinugot mula sa kanya nang wala, nagpapahiwatig na hindi man lamang inilibing ang Duke. Mas bibigyanlinaw ang pagkamatay ng Duke Briseo sa [[Florante at Laura/Kabanata 26|pagsasalaysay ni Laura]].
 
Ang pagkamatay ni Duke Briseo ay lubhang ikinalungkot ni Florante. Sa pagsasalaysay niya, parang nakikita at naririnig niya ang kanyang ama, at ang mga sigaw ng pagpapasakit ng kanyang ama. At ayon kay Florante, mas nanaisin pa ng kanyang amang mamatay si Florante sa digmaan kaysa mahulog sa mga malulupit na kamay ni Adolfong higit pa sa halimaw. Dahil sa pagkamatay na ito at ang iba pang mga masasaklap na bagay na nangyari kay Florante, kagaya ng pagkakagapos niya ngayon sa puno ng [[:w:Hegira|Hegira]], lalo pang naniniwala ngayong malapit na ang kanyang kamatayan.
 
==[[Florante at Laura/Mga tauhan#Sultan Ali-Adab|Sultan Ali-Adab]]==
 
:''Punong artikulo: [[Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Sultan Ali-Adab|Sultan Ali-Adab]]''
 
Ang [[Florante at Laura/Mga tauhan#Sultan Ali-Adab|Sultan Ali-Adab]] ang ama ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Aladin|Aladin]]. Inilalarawan ang [[:w:sultan|Sultan]], bilang isang malupit na ama. Ito ay dahil ang dahilan kaya nasa gubat si Aladin ay bunga ng pagpapalayas niya mula sa [[:w:Kaharian ng Persya|Persyang]] iniutos ng kanyang ama. Ang dahilan naman sa pagpapalayas na ito, at ang pangungusap niya sa dalawang huling saknong ay ang pang-aagaw ng kanyang ama kay [[Florante at Laura/Mga tauhan#Flerida|Flerida]], ang kanyang katipan. Mas bibigyanlinaw ito sa mga huling kabanata.}}