Florante at Laura/Kabanata 9/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
itinapos
Felipe Aira (usapan | ambag)
mNo edit summary
Linya 33:
Sa mga huling pitong saknong, binansagan naman ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]] si [[Florante at Laura/Mga tauhan#Laura|Laurang]] isang mandaraya nang makailang ulit, tahasan at di-tahasan, at si [[Florante at Laura/Mga tauhan#Konde Adolfo|Adolfo]] naman bilang malupit. Inihayag niyang dapat nang magsaya sina Adolfo at Laura sa kanyang pagkamatay na, ayon kay Florante, matagal na nilang ninanasa, at malapit na ang kanyang kamatayan, kagaya nang ilang ulit niya nang ipinahayag sa ibang mga kabanata. Ang kamatayang ito, ayon kay Florante, ay hindi man lamang pagluluksaan nang kahit munti ni Laura, nagpapahiwatig ng di-pagmamahal.
 
Sa huli, pinaluha niya ang kanyang sarili ng mga luhang ng[[:w:dugo|dugo]] at ng kanyang [[:w:kaluluwa|kaluluwa]] upang matumbasan ng mga ito ang sakit ng pagkalimot sa kanya ni Laura, at ibiniling huwag iyakan ang kanyang buhay kundi ang pagmamahalang tapos na, malamang, kay Laura ngunit maaari rin sa kanyang sarili.}}
}}