Florante at Laura/Kabanata 9/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
tatapusin mamaya
Felipe Aira (usapan | ambag)
tatapusin bukas
Linya 4:
| Nilalaman =
==Buod==
[[Image:Lions - melbourne zoo.jpg|200px360px|thumb|Tatlong [[:w:leon|leong]] nagpapahinga]]
Kakatapos lamang magsalita ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Aladin|Aladin]], mayroong dumating na dalawang mga [[:w:leon|leong]] hinahangos sa paglakad sa kinalalagyan ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]]. Tinungo si Florante ng dalawang leon upang kainin, ngunit tumigil nang matagal na panahon ang mga ito sa kanyang harapan. Naawa ang mga leon sa kalagayan ni Florante kaya sila tumigil. Sa katotohanan, hindi lamang ang mga leon ang naawa kay Florante kundi pati rin si [[:w:Balagtas|Balagtas]] mismo, ang may-akda ng awit.
 
Pagkatapos ng pagpapahayag ng kaawaan kay Florante ni Balagtas, nagsimula nang magsalita si Florante. Nangusap siya sa [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]], ang kanyang inang bayan. Inilarawan niya ang kasalukuyang kalagayan nitong lubhang masaklap. Inilarawan naman ni Florante ang kanyang pagmamahal sa bayan niyang Albanya, at ang mga naipaglingkod niya roon. At dahil sa paglilingkod niyang ito, itinatanong niya sa Albanya kung bakit siya hinayaang magkaganito, at ipinalagay na lamang niyang ito ang kabayaran sa kanya ng Albanya bagaman pinaglingkuran niya ito at ipinagtanggol.
 
Sa huli niyang mga pahayag, pinaratangan niyang si [[Florante at Laura/Mga tauhan#Laura|Laura]] ay isang taksil, nakipagmahalan kay "[[Florante at Laura/Mga tauhan#Konde Adolfo|Adolfong]] malupit", at nangalimot na sa kanya.
 
==Awa==
 
 
}}