Florante at Laura/Kabanata 5/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
dinagdagan
Felipe Aira (usapan | ambag)
itutuloy
Linya 9:
Ang kabanatang ito ay umiikot sa kalungkutan ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]], ang muli niyang pag-aalinlangan sa [[:w:Diyos|Diyos]], at, higit sa lahat, ang selos niya kay [[Florante at Laura/Mga tauhan#Laura|Laurang]] kanyang iniisip na tinanggap na ang pag-ibig ng [[Florante at Laura/Mga tauhan#Konde Adolfo|Konde Adolfo]], at minahal na ito.
 
==Pag-seselosKalagayan ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]] kay [[Florante at Laura/Mga tauhan#Laura|Laura]]==
[[Image:GatedPipe.JPG|300px|right|thumb|Pagdilig sa isang taniman; maikukumpara sa pagdilig ng mga luha ni [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]] sa punong [[:w:Higera|Higerang]] kinagagapusan.]]
Si [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]] ay kasalukuyang sumasailalim nanaman ng higit na hinagpis, at ngayon pagseselos. Ito ay dahil kanyang naalala si [[Florante at Laura/Mga tauhan#Laura|Laura]], ang [[:w:prinsesa|prinsesang]] kanyang katipan. Naalala niya ang pang-aagaw na ginawa ng [[Florante at Laura/Mga tauhan#Konde Adolfo|Konde Adolfo]] kay Laura, kasabay ng pang-aagaw niya ng trono ng [[:w:Kaharian ng Albanya|Albanya]].
 
At dahil sa lubhang kalungkutang iyon, hinimatay bigla si Florante; kung saan nalungayngay ang kanyang ulo, at natuloy ang pag-iyak, na sa sobrang pag-iyak na ito, nadiligan ang punong [[:w:Higera|Higerang]] kinagagapusan.
 
Ang kalungkutan at pagpapakahirap ni Florante ay madaling makikita. Ayon nga sa sabi ng may-akda sa awit, hindi maantas ang "awang bubugso sa dibdib" ng sino mang makarinig ng panaghoy ni Florante. At sa lakas ng panaghoy na ito, sa buong kagubatan, maririnig ito.
 
Sa huling bahagi, nagising na si Florante, at nagsimula na ang pagtatanong kay Laura kung bakit niya nililo ang "tapat na puso" ni Florante bagaman sumumpa siya sa [[:w:Diyos|Diyos]] na hindi niya lililuhin si Florante. Dito makikitang ipinalagay na talaga ni Floranteng nililo na siya ni Laura para kay Adolfo.
 
==Kaugnayan sa buhay ni [[:w:Balagtas|Balagtas]]==