Florante at Laura/Kabanata 3/Paliwanag: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Felipe Aira (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 6:
}}
[[Category:Florante at Laura|P]]
==Lagom==
----
Sa kabanatang ito, dalawang pangunahing bagay ang inilalarawan at ipinaiikutan. Ito ang lubhang nakakalungkot na gubat sa labas ng [[:w:Epiro|Epiro]] sa tabi ng [[:w:Kosito|Ilog Kosito]], isang ilog na dumadaloy papuntang [[:w:Hades|Hades]], ang mundo ng mga patay sa [[:w:mitolohiyang Griyego|mitolohiyang Griyego]], at si [[Florante at Laura/Mga tauhan#Florante|Florante]]ng sa kabanata ay binansagang ang "nagagapos na kahabag-habag".
 
==Gubat==
===Pangkalahatang paglalarawan===
[[Image:Honey locust thorns.jpg|180px|right|thumb|Isang punong lubhang matinik]]
[[Image:Flower violet 01.JPG|200px|left|thumb|Isang kulay-luksang (biyoleta) bulaklak]]
Ang gubat ay inilalarawan bilang isang masukal, malamya at malungkot na kagubatan ng mga malalaking [[:w:Sipres|Sipres]] at [[:w:Igos|Igos]], pinangalanan sa awit bilang [[:w:Higera|Higera]].
 
Inilalarawan naman ang mga puno at bunga nito bilang lubhang mapanganib; ang mga punong mayroong mga sangang matitinik ay pinalilibutan ng baging, at ang mga bunga nito ay binubuluhan. Lahat ito ay nagpapasakit sa kanino mang madikit sa mga ito.
 
Ang mga bulaklak naman dito ay inilalarawan bilang kulay-luksa (biyoleta).